Friday, March 31, 2006

Isang Panayam...

1. Buong pangalan?
Jeffrey Umali Inandan

2. Anong nararamdaman mo ngayon?
Masaya. Naiihi.

3. Bakit yun ang nararamdaman mo?
Una, masaya ako dahil sa beybi ko… Pangalawa, naiihi ako dahil ang dami ko atang nainom na tubig kanina.

4. Saan mo gusto pumunta ngayon?
Sa banyo.

5. Kung may yayakapin ka ngayon, sino?
Ang beybi ko siyempre.

6. Kung may chance kang bumuhay ng tao, sino bubuhayin mo?
Si Ferdinand Marcos para tapusin nya na lahat ng dapat nyang tapusin at panagutan ang dapat panagutan!

7. Anong kanta ang lagi mong kinakanta?
Sa ngayon… eto “you were just a dream that I once knew… never thought I would be right for you... I just can’t compare you with anything in this world… you’re all I need to be with forevermore…”

8. Sinong katabi mo ngayon?
Beybi ko…

9. Kung papipiliin ka, sino pipiliin mo:mahal mo na di ka mahal, o mahal ka na di mo mahal?
Wala kasi mahal ako ng mahal ko…

10. Sinong gusto mong makausap ngayon?
Mga friends ko na wala dito sa Cebu (i.e nasa Manila or other countries)

11. Kung hindi ka ikaw ngayon, sino ka?
Isang scribe sa Egypt in today’s modern time.

12. Ano pinakamalungkot na nangyari sa'yo?
having to go through heartbreaks…

13. Anong kanta ang gusto mong i-play?
I’ll never go… far away from you… even the skies will tell you that I need you so for this is all I know I’ll never go far away from you…

14. Kung bibigyan mo yung mahal mo ng bulaklak ano yun?
Gumamela para makapagpa lobo pa sya! hahaha

15. Anong talent mo?
Ang corny ng tanong pero sige… kumanta, sumayaw, magluto (if this is considered). ay meron pa pala... magpaAMO ng mababangis na paslit!

16. Ma-pride ka bang tao?
Kinda lalo na dati pero ngayon di na masyado.

17. Anong bagay na gusto mong makuha ngayon?
Targets ng team ko!!!

18. Sinong artista ang kinalolokohan mo ngayon?
Wala naman… ay meron! yung isang artista sa Gulong Ng Palad kasi kamukha sya ng beybi ko.

19. Sino ang kinakainisan mo ngayon?
Ang isang taong di ko dapat kainisan dahil dapat ko siyang irespeto. Haaayyyy….

20. Anong pelikula ang gusto mong panoorin?
Madami dahil last na napanood ko ay Cheaper by the Dozen 2. 

21. Kung bida ka sa isang pelikula,sino gusto mong leading man/lady mo?
Ayokong mag-artista eh hehehe…

22. Kung di mo pangalan ang pangalan mo ngayon, ano ang pangalan mo?
I guess yun pa rin pero Jeff lang siguro (yung nickname ko)

23. Kung may gusto kang balikan sa nakaraan mo, ano yun?
Yung nasa Europe ako pero this time non-winter season naman.

24. Masaya ba ang kwento ng buhay mo?
Masaya. Kontrobersiyal. Nakakatawa. Nakakaiyak.

25. Kung papayagan kang pumatay ngayon, sino ang papatayin mo?
Parang ayoko kasi baka makulong ako.

26. Sino ang pinakaimportanteng (mga) tao ngayon sa buhay mo?
Of course given na ang pamilya ko at mga kaibigan ko. At shempre and beybi ko.

27. Ano ang pinaka-pangarap mong maging nung bata ka pa?
Maging doctor at news anchor. hehehe

28. Kung singer ka, sinong singer ang gusto mong maka-duet?
Si Stevie Wonder para sa isa sa mga classic at favorite kong kantang LATELY.

29. Sa tingin mo, bakit kailangang magmahal?
Dahil “love makes the world go round” cliché pero totoo.

30. Isang pelikula na talagang iniyakan mo?
Magnifico

31. Ano ang pinaka-ayaw mong ugali ng isang tao?
Mandaraya. Sinungaling at Bastos.

32. Anong theme song ng buhay mo?
Warrior is a child.

33. Kung pwede mong i-rewind ang oras, ano gagawin mo?
May mga bagay akong hindi na lang sasabihin at gagawin.

34. Kaya mo bang pakawalan ang taong mahal mo?
Honestly… ngayon parang di ko ata kaya dahil ngayon lang ako nagmahal nang ganito.

35. Motto mo tungkol sa love sa mga oras na ito?
Dumarating sa ‘di inaasahang pagkakataon…

1 comment:

pee said...

Hindi ka naman umiyak sa Magnifico. Alam ko kasi katabi kita. Pinigilan mo 'yung iyak mo kaya afterwards, nung tumatawa na kami at nahimasmasan na sa pag-iyak sa Magnifico, ikaw naman eh masakit ang dibdib. Hahaha!

Beybi...beybi...sino kaya? Abangan...