Tuesday, March 28, 2006

Some questions...

I’ve been through with love… with all the hurt and old pain…
And yet here you come in an ordinary day…
A smile… a text… a call…
Am I climbing up again just to fall???


‘Yan ang mga katagang nanggaling mula sa isang taong malapit sa puso ko. Masasabi ba talaga nating “tapos na” tayo sa larangang ito? O kaya nama’y pinagdaanan na natin ang lahat? Oo nga’t minsan nakakasawa na at nakakapagod na ang masaktan nang sobra sobra.

Bakit kaya ganun? Kung kalain ka halos umikot at mainip sa kahihintay ng isang “someone” biglang may darating? Kung kailan feeling mo hindi ka handa.. kung kailan tila napaka-komplikado ng mga bagay-bagay. Wala ba talagang perfect timing para dito? Bakit di pwedeng umayon ang lahat ng bagay, tao at pangyayari sa iyong kagustuhan?

Kailangan bang magsimulang muli sa kawalang katiyakan? Kakayain pa kayang magmahal upang masaktang muli? Mahihigitan ba nito ang kasiyahan mula sa mga nagdaan?

Siguro nga’y mas mabuti pang hayaan na lang ang tadhana ang syang magdikta kung ano ang mga mangyayari. Isa lang ang napakahalagang bagay na makasisigurado na maipagpatuloy ang lahat ng ito… ang kasiyahan ng damdamin sa kasalukuyan…

1 comment:

Anonymous said...

climb ka lang ng climb, friend. wag ka nang lumingon pa. =) -ayaboo