Wednesday, September 05, 2007

Pa 'experience' naman!

1) tv reporter na nakikipag-unahang makasagap ng scoop at headlines. yung tipong sa gitna ng war o kaya may background na helicopter na may search and rescue operation sa isang super typhoon.

2) chef sa isang restaurant ng 5-star hotel. gusto kong magluto na may time pressure tapos yung magagarang mga kagamitan sa kusina. tapos gusto ko rin yung mag garnish ng kung anu-ano sa plato. ako rin ang magse-serve sa guest para may personal touch.

3) empleyado (na authorized to make big decisions) sa BIR, Customs, LTO, LTFRB. maski 1 week lang!

4) chief of staff ng isang senador

5) masahista

6) lagarista

7) barista sa Starbucks with rotating assignments/deployments sa iba't ibang bansa. maski walang sweldo okay lang!!!

8) personal alalay ni Keannu Reeves

9) intelligence officer ng gobyeryo. or asset ng FBI

10) kabet!

No comments: