Saturday, September 01, 2007

Sa Kaarawan ni Psycholoves para sa kras nya

Bading ka raw, ‘yan ang sabi ng marami
Ewan ko kung maniniwala ako sa mga sabi-sabi
Nagba-basketball ka at borta pa… kaya parang ‘di naman
Chicks kaliwa’t kanan, may crush sayo ‘di mo ba alam?
Hindi ko nga maintindihan bakit sayo’y nahuhumaling
Ikaw ang laging hanap sa kaibigang Bumbayin
Noon okay na sakin na makita ka
Gets ko naman… ‘di ako umaasa
Carry lang naman sa’kin na maging kabit
Okay lang, basta sa bandang ilalim ako sasabit


*eto ang aking pa-bertday kay psycholoves para ialay nya sa kras nya...

1 comment:

Anonymous said...

naaliw talaga ako sa tulang ito...;-) pwede ka palang pang impromptu poem writing contest pag linggo ng wika. Chos! Salamat!