Wednesday, August 15, 2007

'Pag minalas ka nga naman

'pag minalas ka nga naman
parang sunod-sunod 'di mo mapigilan
Linggong masakit ang ulo dahil puyat kagabi
pag gising ang maling akala'y may pagkaing nakahain

'di makalakwatsa kasi walang pera
'di rin makapag road trip, ang kotse nasa kasa
makapag-gym na lang nga, ay katamad mag biyahe
dvd marathon na sana pero pulpol rin pala

ilang hithit sa sigarilyo kahit hagupit ang init
tambak na labada wala ring magawa
bitbit ang bag na singbigat ng isang bata papunta sa mega
sa hapunang maalinsangan butas pa ang bulsa

late ng tatlong minuto, timesheet ngayo'y buhol-buhol
sa report na isa-submit, mas gusto ko pang magpunit
suporta mula sa 'taas', umasa pang pagbibigyan
larong sinimulan, bahagyang tagumpay natikman

pakisuyo ng kaibigan, hindi ko napagbigyan
libreng lunch buffet sa hotel... sayang
mahimbing na tulog pero pero limang oras lamang
suot pa'y pinagpawisan kaninang umaga

late na sa opisina at wala pang hapunan
kaliwa't kanang isyu sa inbox, kumusta naman
di man sinasadya, inosenteng nilalang ang napagbuntunan
kawawa naman maski walang kasalanan

magsalita o manahimik, tiyak may masasabi
ano pa nga ba, mga mensahe ako'y pinutakti
bumagyo pa kung kailan may naka-plano na
ayon argumento sa kausap, daig pa ang summer

uuwi ka na lang, mga nakasimangot at nakakunot
eto ako basang sisiw dahil sa malakas na ulan
goodluck naman, kapag nabinat pa
tambak na labada... tambak pa rin

'pag minalas ka nga naman
ano bang mayroon sa linggong ito
at ano pang mayroon sa araw na ito
malas....

ang nakakainis na malas. tsk tsk tsk.

No comments: