1) Alam n'yo yung parang "small desk microphone" na ginagamit sa pagtawag ng order from the fastfood's cashier to the kitchen? I'm sure alam n'yo ito! Using my charm (ehem) sa ate sa counter, ako naka-try ako na ako mismo ang tumawag ng order namin sa Chowking! At syempre pa feel na feel ko ang bawat salitang sinabi ko tulad ng:
For dine in: Lumpia Lauriat!
Ang mga kuya sa kitchen napangiti na lang dahil may kasunod pa akong "good morning" na closing spiel! Aliw!!!2) Sa sobrang antok at pagod ko kahapon, tinakbuhan ko ang isang traffic enforcer (basta naka yellow yung manong) sa may Ayala Avenue -- dun sa kanto ng traffic light bago umakyat ng tulay papuntang Edsa! Hindi ko first time na "mag-beat" ng yellow light -- okay fine, it was already red! Ang first time ko ay ang humarurot nang todo nang senyasan ako ng manong dahil nga hindi nakalampas sa paningin nya ang minor violation ko. Of course di nya na ako hinabol maski nakasakay lang sya sa mobile unit nya. Effort nga naman siguro yon!
Wala lang... share ko lang...
2 comments:
sana isinama mo ako sa Chowking. haha.
Namiss ka ni ate brown eyes kanina. Shunalo color ng eyes ni ate, brown talaga. Hindi contacts ito. Hehehe!
Post a Comment