Thursday, April 20, 2006

One month & going strong...

Akala ko noon sa taong mahal mo, kapag nasaktan ka at umiyak nang sobra, sa hiwalayan ang ending n’yo. Akala ko noon, kapag naghiwalay kayo ng mahal mo (ano man ang dahilan), yun lang ang dahilan para lubusan kang makaramdam ng sobrang hinagpis at sakit.

Nagkamali ako… may mga pagkakataong hindi kayo nagkakaintindihan o kaya nama’y may mga problema na sobrang nakakasakit ng damdamin ng bawa’t isa, pero hindi naman ibig sabihin ay KAILANGAN n’yo nang maghiwalay. Maski pa gaano kasakit ang nararamdaman n’yo, hindi naman nawawala agad ang pagmamahal sa isa’t isa. Buti na lang I held on… hehehe…

I still feel that everyday is still a learning experience with life and love… I thank God I found you…

1 comment:

pee said...

Ito na ang definition ko ng pagmamahal: Hindi namamatay. Kahit maging masama pa ang tao, kahit magkahiwalay kayo, kahit ano pang maging ending ninyo...kung mahal mo, mahal mo. Walang pero, pero. :)